Ang sarap ng pakiramdam ko ngayon. Sa wakas natapos na rin namin ang Sabayang Pagbigkas sa Filipino. Napakasaya ko talaga dahil sulit talaga ang pagod ko sa bawat araw na halos gabing-gabi na ako nakakauwi sa aming bahay. Salamat sa lahat ng tumulong at sumoporta sa amin upang malagpasan namin ang paligsahan na ito.
Bagama't di kami nanalo, piling ko ay wagi pa rin kami dahil alam naman namin sa aming sarili na halos apat na araw lang naman ito nagawa at sa halip ay nakapagpakita pa rin kami ng isang magandang presentasyon . Dito ko napatunayan na dapat lagi lang tayong magtitiwala sa isa't isa at si Lord na ang bahala na gumabay sa anumang kahihinatnan nito.
Isa pa sa ikinatuwa ko ay sa pamamagitan ng paligsahan ng Sabayang Pagbigkas naipakita namin ang suporta namin sa pagtatanggol sa ating pambansang wika-ang Filipino. Kasi nga kung titingnan natin ngayon sa kasalukuyang panahon,tila ba binabalewala na lang natin ang wikang ating kinagisnan at para bang pilit natin itong pinapatay.Isa sa patunay nito ang panukala ng Commission on Higher Education (CHED) ng Memorandum No. 20 Series of 2013 (CMO no. 20 series of 2013) na naglalaman ng pagtatanggal ng Filipino sa kurikulum na ipinapatupad sa kolehiyo. Tunay nga bang magdudulot ang hakbanging ito ng progreso? Iyan ang tanong ko.

Ang katwiran ng CHEd, nararapat na senior high
school lamang dapat ituro ang Filipino subject. Dahil sa memorandum na ito ay
nagdulot ng poot sa maraming nagtataguyod ng sariling wika at ganoon din sa mga
guro ng Filipino.
Pumasok tuloy sa aking isipan na Bakit ba kailangang alisin ang Filipino? Dapat pa ngang
palaganapin at pagyamanin ito .Marami sa mga Pilipino ang hindi pa ganap na
bihasa sa pagsulat sa wikang sarili. Marami pa ring nagkakamali sa simpleng
paggawa ng pangungusap. Maraming hindi alam ang tamang baybay. Kaya paano
sasabihing sobra-sobra na raw ang pag-aaral ng Filipino kaya hindi na dapat
ituro sa kolehiyo.
Para sa akin,Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang
bansang matatag at nagkakaisa. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang
lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga
pinagdaanang problema. Ngayon at nalalagay sa isyu ang ating wika ,marapat na
atin itong ipagmalaki,ipagtanggol at ipaglaban. Nawa’y ating gamitin ng wasto sa
araw-araw at taas-noo tayong magsalita sa ating sariling wika!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento