Nakakainis talaga ang araw na ito maghapong umulan. Alas otso ng gabi ang labasan namin at tama na naman ang naisip ko bago ko umalis ng school, sobrang hirap na namang makauwi sa bahay. Grabe sobrang hassle talaga. Ramdam ko ang baha, traffic, basang sapatos, basang damit,pantalon,mabahong
kapaligiran at lahat lahat na.
Isipin
niyo naman ang pinagdaanan ko kanina o kahit bumuhos lang ng kaunti ang ulan kapag nasa maynila ka. Nandiyan ang paunahang makasakay ng dyip o ng bus-kailangan mo pang makipagsiksikan,stranded dulot ng traffic at ang pag-iwas sa mga lugar na may baha. Maiinis ka talaga sa ganitong mga sitwasyon.
Kaunting ulan lang ay nagmimistulang waterworld na ito. Pero kung ikukumpara mo ito sa dagat kung saan mga isda ang makikita mo, dito magugulat ka dahil baka makasalamuha mo pa ang mga patay na daga, ipis at basura. Minsan may makikita ka pang diaper na may napakabahong amoy. Masusuka ka talaga.

Nakakainis
din ang mga sasakyan pag tag ulan. Hindi ka na makasakay dahil sa dami ng tao,
dadaan pa ang salbaheng driver sa baha at magtatalsikan pa sa iyo ang tubig
kanal. May pagkakataon pa ngang naka-dalawang palabas ng movie na sa bus di ka pa rin nakakababa.
Nayayamot tuloy ako kapag naiisip ko ang dulot na hatid ng ulan. Napakalaking abala talaga nito sa mga tao. Sobrang hirap talaga kapag umuulan, ewan ko na lang kung hindi ka mabad-trip. Kaya pakiusap ulan, lubayan mo ako.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento