Binata 1: Pre anong team ka sa PBA next season?
Binata 2: San Miguel ako pre.
Binata 1: Parehas pala tayo ehhh. Kala ko Ginebra
fan ka. Hahaaaha Team Kangkong!!!
Binata 2: (tumatawa) Baka maaga na namang magbakasyon
yun sa Bora.
Ako: (super bad trip, parang natamaan yung puso ko noong
inaasar yung Ginebra)
Bata pa lang ako Ginebra fan na talaga ako. Halos
buong pamilya kasi namin ito na ang laging sinusuportahan tuwing sasapit ang
bagong conference ng PBA. Kaya bawat laban ng Ginebra di ko pinapalampas na
panoorin sa telebisyon o minsan naman ay sa mismong venue nito. Pero ang hirap
isipin na sa makalipas na 8 taon hindi pa ulit nakakatikim ng kampyeonato ang
team na paborito ko. Lagi na lang laglag at talo. Championship drought na nga
talaga ang nararanasan ng buong koponan.
Pero alam niyo kung bakit bumabalik at bumabalik pa rin ako?Kasi ang sarap sarap sa feeling na kahit panalo o talo tayo andun pa rin yung crowd support.Andun parin yung sigawan. Yung GI-NEB-RA chant. Yung walang kamatayang never say die. At pinaka-importante.. andun pa rin ang mga iniidolo mo.

Yung feeling na alam mong sa susunod na conference
bibili ka ulit ng ticket sa Araneta. Yung feeling na alam mong sa susunod na
conference aabangan mo ito lagi sa telebisyon Yung feeling na alam mong sa
susunod na conference babalik at babalik ka rin.
Kaya kahit na sobrang sakit.. Kaya kahit napapamura ka na.. Kaya kahit ano pa mang mangyari. Basta ako GINEBRA PA RIN AKO. Never say die!!! Sa tamang panahon makakamtan din nila ang inaasam-asam na kampyeonato.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento