Miyerkules, Setyembre 30, 2015

Piliin mo ang Pilipinas!!



Bilang isang Pilipino, ipinagmamalaki ko ang aking bansa at gusto ko maipakita ang aking pagmamahal. Alam ko kung gaano ka espesyal ang Pilipinas at kung gaano ka ganda ang mga bagay dito. Ibang klase talaga ang bansang ito, kaya gusto ko ipakita rin sa iyo kung gaano ka ganda ang Pilipinas. Isang kanta na may pamagat na  “Piliin mo ang Pilipinas” ni Angeline Quinto ang nagpapakita kung paano dapat natin hikayatin ang ating mga kapwa Pilipino at mga dayuhan  na mahalin at puntahan ang ating bansa dahil sa di matatawarang ganda nito. Narito ang kalahati ng Lyrics ng kanta:

Minsa'y natuwa ang Maylikha
Pitong libong pulo ang ginawa
Mga hiyas na inilatag
Sa mala-sutlang dagat

At ang bayan Niyang pinili
Nsa dulo ng bahaghari
kaya't isanlibong kulay
Nang-aakit, kumakaway

Piliin mo rin ang Pilipinas
Kapuluang kwintas ng perlas
Piliin mo, yakapin mo
kayamanan nyang likas, Piliin mo ang Pilipinas.

Tunay na espesyal ang Pilipinas. Maraming mga bagay ang matatagpuan lamang dito. Nasisigurado ko kung pupunta ka sa Pilipinas, hindi ka magsisi. Bugod sa mga lugar dito, sigurado akong makakakilala ka ng mga mababait na tao na tutulong sa iyo sa hinaharap. Maikli lang ang ating buhay kaya kailangan natin palawaking ang ating mundo at kunin ang bawat oppurtunidad na darating sa ating mga buhay. Puntahan na ang Pilipinas upang masabi mo na nakapunta ka na sa isa sa pinakamaganda at kakaiba na bansa sa mundo.

Miyerkules, Setyembre 23, 2015

Lahing Ginebra Ako

Eksena sa dyip habang katabi ko ang dalawang binatang estudyante.
Binata 1: Pre anong team ka sa PBA next season?
Binata 2: San Miguel ako pre.
Binata 1: Parehas pala tayo ehhh. Kala ko Ginebra fan ka. Hahaaaha Team Kangkong!!!
Binata 2: (tumatawa) Baka maaga na namang magbakasyon yun sa Bora.
Ako: (super bad trip, parang natamaan yung puso ko noong inaasar yung Ginebra)

Bata pa lang ako Ginebra fan na talaga ako. Halos buong pamilya kasi namin ito na ang laging sinusuportahan tuwing sasapit ang bagong conference ng PBA. Kaya bawat laban ng Ginebra di ko pinapalampas na panoorin sa telebisyon o minsan naman ay sa mismong venue nito. Pero ang hirap isipin na sa makalipas na 8 taon hindi pa ulit nakakatikim ng kampyeonato ang team na paborito ko. Lagi na lang laglag at talo. Championship drought na nga talaga ang nararanasan ng buong koponan.

Pero alam niyo kung bakit bumabalik at bumabalik pa rin ako?Kasi ang sarap sarap sa feeling na kahit panalo o talo tayo andun pa rin yung crowd support.Andun parin yung sigawan. Yung GI-NEB-RA chant. Yung walang kamatayang never say die. At pinaka-importante.. andun pa rin ang mga iniidolo mo.

Yung feeling na alam mong sa susunod na conference bibili ka ulit ng ticket sa Araneta. Yung feeling na alam mong sa susunod na conference aabangan mo ito lagi sa telebisyon Yung feeling na alam mong sa susunod na conference babalik at babalik ka rin.

Kaya kahit na sobrang sakit.. Kaya kahit napapamura ka na.. Kaya kahit ano pa mang mangyari. Basta ako GINEBRA PA RIN AKO. Never say die!!! Sa tamang panahon makakamtan din nila ang inaasam-asam na kampyeonato. 

Huwebes, Setyembre 10, 2015

High School Forever and ever


Setyembre na at malapit nang matapos ang unang semester ko sa kolehiyo. Masaya dahil kahit papaano ay nakapag-adjust na ko sa mga bagong kaklase at ang buhay ng pagiging college student bilang freshman. Pero nakakalungkot din dahil parang napakabilis ng pagtakbo ng panahon. Ngayon ito na naman ako nangungulila sa naging mga karanasan ko noong high school at ang mga kaklase kong miss na miss ko na.

Sabi nila ang ang hayskul ang pinakamasayang parte ng pag – aaral mo. Lahat ng mga “first time” ay dito nagaganap. Lahat ng mga di inaasahang bagay, nagyayari o di kaya’y nadidiskubre mo. At higit sa lahat, dito mo nahubog ang iyong sarili di lamang bilang isang tineydeyer ngunit bilang isang mag – aaral. Maraming rason kung bakit ang highschool ang pinaka masaya. Marami ring rason kung bakit ito rin ang pinakamalungkot. Pero ang ikinaganda nito ay marami kang natutunan, di lang pagdating sa akademiks ngunit pati narin sa iyong buhay.

 Sino sa inyo ang namimiss ang lahat ng nakasulat???      
  nakipagdaldalan
  nanghiram at nagpahiram ng ballpen (tapos di na binabalik),
  hingian ng papel, (1/4, ½, 1 whole yung feeling na  nilalagyan na ng kaklase mo ng pangalan bawat sheet para di ka na makahingi)
  nagpapahiram ng stapler (kaya di ko na dinadala kasi nasira),
  nakaranas ng mga sermon ng teacher (parang misa tuwing may nagawang mali)
  nagpa-asignment ng sobrang haba
  sumali sa intramurals
  nagmahal (kay crush, sa syota mo at syempre kay God),
  nasaktan
  mag- interview ng mga tao para sa journalism
  madala sa clinic
  pumasok sa library (yung tipong pinapalabas kayo ng librarian dahil nag-iingay lang kayo sa loob)
  magpa photocopy ng sandamakmak
  magpasa ng mga projects at sankatukak na worksheets, (yung isang araw na lang bago magpasahan tapos doon ka palang gagawa )
  mahirapan sa math
  bumagsak sa mga quizzes, long test
  magpuyat
  maganalyze kung debit o credit,
  mapagalitan ng teacher
  mastress at magkaron ng napakalaking eyebugs,
  magJS prom at mag fieldtrip
  mag flagceremony at mag flag retreat
  maging officer ng klase,
  maging student teacher
  magclass picture every year,
  nagtest na kung anu-ano,
  mag CAT  
  magbayad ng limang piso araw – araw,
  mabigyan ng maraming ticket (tapos ibabalik),
  malate magsabmit ng kung anu-ano,
  kumain sa classroom
  mainis sa mga epal
  makaranas ng over – all champion sa mga contest
  magka gold, silver, bronze na medal
  magka certificate
  pumasok sa top 10
  mawalan ng pera
  mauna sa classroom
  makumpisan ng cellphone
  gumawa ng portfolio,
  maging masaya,
  hayahay buhay

Ang sarap kayang balik-balikan ang mga pangyayari ito noong high school. Lahat talaga mararanasan mo. Pero sabi nga nila “Things end, but memories last”. Lahat ng mga karanasang ito ay maalala mo hanggang sa pagtanda mo. At ang karansang ito ang hindi ninuman maagaw sa iyo. Kaya sa mga lahat ng naging parte ng high school life ko maraming maraming salamat sa inyo dahil hindi ako mahuhubog bilang tao kung wala kayo.

Miyerkules, Setyembre 2, 2015

Ang Tunay na Pananampalataya


Naranasan mo na bang masadlak sa isang  napakabigat na problema? Tiyak ito ang tanong na mabilis mong masasagot. Natural lahat ng tao ay dumadaan sa ganitong sitwasyon. Ngunit sino nga ba ang tutulong sa atin upang magawa nating malagpasan ang mga pagsubok na ito? Pamilya ba, kaklase, kaibigan, kabarkada karelasyon o kung sino-sino pa diyan na nakapaligid sa iyo. Pero minsan nakakalimutan nating lahat na ang Diyos ang tunay na kasagutan sa ating problema.

Sa buhay natin dumarating ang mabibigat na pagsubok na siyang susukat kung gaano tayo katatag at gaano tayo kalapit sa Diyos. Minsan ay nararanasan natin na madapa, Gayunpaman, pipilitin pa rin nating tumayo dahil may pinanghahawakan tayo, at ito ay ang pananampalataya sa Diyos.

Tuwing linggo, normal lang na makikita ka ng mga pamilyang Pilipino sama-samang nagsisimba. Isa na itong kaugalian kung saan naglalagay tayo ng oras para sa ating panginoon sa kanyang tahanan. Maaaring  sila’y nagpapasalamat, humihingi ng tulong, o kaya naman ay nagsisisi  ng kasalanan. Subalit minsan ay sumagi sa isip ko, nasusukat ba sa lingguhang pagsisimba ang pananampalataya? Dahil ba sa pagsisimba ay maliligtas ka na at malalayo ka na sa kapahamakan?

OO, Naisip ko na ang hindi pagsisimba ay isang napakaling kasalanan sa Diyos at maituturing itong  pagkukulang bilang isang tao, ngunit marahil ay hindi ito nangangahulugang malayo ka sa kanya. Hindi ba’t ang pagpapakita ng kabutihan sa kapwa mo ay isang batayan? Ang pagdarasal, kung saan ay tinatawag natin ang pangalan Niya, ay siyang nagpapatunay na naaalala natin siya.


Nakakalungkot isipin na marami sa atin ay tila ba nauunahan na sila ng panghuhusga at naiisip agad ang mga negatibong bunga ng hindi pagsisimba. Pumasok tuloy sa aking isipan na kung bakit may mga taong mababa ang tingin sa mga taong di nagsisimba?Bakit yung  iba nga sa kanila na madalas  sila pa ang parang hindi nanggaling sa simbahan ang ugali. Hindi rin naman naipapakita ang magandang asal na napulot nila sa pagsisimba? At di ba may taong gusto lamang linisin ang kanyang pangalan, alisin ang bahid ng kasamaan ngunit patuloy pa ring gumagawa ng kasamaan? Nasaan ang katotohanan doon.

Iba-iba tayo ng paniniwala ngunit para sa akin, dapat lang na maging pantay ang pagtrato ng ibang tao sa mga nagsisimba at hindi.  Ang mahalaga hangga’t alam natin na nasa puso natin ang Diyos, tiyak na mananatili Siya sa ating kalooban at mananaig ang kabutihan anuman ang mangyari.Dahil dito ay magkakaroon tayo ng matatag na pananampalataya na hindi masisira ng kahit ano at magpapadala sa anumang sinasabi o inihahatol ng iba at ito ang masasabi nating tunay na pananampalataya sa Diyos.