Nakakalungkot at nakakapanghinayang ang nangyari sa
kakatapos lang na 2015 FIBA Asia. Sayang at hindi nakuha ng Gilas Pilipinas ang
gintong medalya na magtutulak sana sa ating koponan na makarating sa inaasam-asam
na 2016 Rio Olympics. Bagama’t masakit ang talo natin sa Championship match
kontra China. Hindi matatawaran ang galing at husay ng mga manlalaro ng Gilas na nagpakita ng
kanilang tunay na puso at damdamin upang maipaglaban ang bansang Pilipinas sa
larangan ng basketball.
Pero nakakataba ng puso na umabot sa FIBA Asia ang
Gilas. Marami mang pinagdaanan ang Gilas
patuloy silang lumaban. Natalo sa umpisa ng torneo. Tinalo ang mga powerhouse
team tulad ng Japan at Iran. Kitang-kita na buong tapang nilang hinarap ang mga
pagsubok lalo na sa championship match kontra China.
Ngayon,Nangingibabaw ang pagmamalaki at pasasalamat
ng maraming Pinoy sa Gilas dahil sa kanilang tagumpay na natamo. Muli na namang
naipakita ang galing ng mga Pinoy. Sa tamang panahon, samahan nating lahat ang
Gilas upang matiyak nila ang mas malaki pang tagumpay at ito ay ang maging
kampyeon at makilala sa mundo dahil sa galing sa larangan ng basketball.